Huwebes, Agosto 9, 2018

Masakit mawalan ng aso😢

Naalala ko ang aso ko sa ganitong picture feeling ko ako yan...nakakalungkot pag may alaga kang aso inaalagaan mo mula tuta hangang sa napalaki mo na siya mamatay din pala😢😢😢

   Binigay ko ang aking best para madugtongan lang ang buhay mo ANYA name ng aso ko...
Kaso wala na nalagutan ka na ng hininga naalala ko dinala kita sa vet noon lantang gulay ka na ng isang araw pa  nakapikit na mata mo at palagi ka na nakahiga hindi mo na kayang tumayo noon sobrang sakit sa dibdib ko yun makita ka nahihirapan...
Sabi pa nga ng vet sakin nung dinala kita "mam buhay pa ba ito?baka hindi na ho humihinga ha?
Akala siguro ng doctor wala na ung dinala ko aso ko pero humihinga pa siya nun naiiyak na naman ako!!! 😢😢😢
PAG NAALALA KO LANG...
Nakita ko lumalaban siya kaya ginawa ko lahat ng paraan para mabuhay siya!!! Kahit kulang ang PERA KO NOON dinala ko pa rin siya sa vet bahala na sabi ko...so ayon lang pinakiusapan ko ung vet kung pwede gamutin nila aso ko at ung kulang ko babayaran ko nalang sa ibang araw naawa ang vet sakin at pumayag naman siya...
Nung una siya ginamot tinurokan siya ng vitamins nagulat ako kasi dumilat na mga mata niya!!! At tuwang tuwa ako nun!!! Anya!!! Sigaw ko...

Nabuhayan ako ng loob nun kaso nung pangalawang araw na dun na gumuho ang mundo ko...kinuha na sakin ung aso ko bigla nalang hindi na siya nakahinga at sumigaw ng malakas yun pala NAGPAPAALAM NA SIYA😢😢😢
nanigas na katawan niya at hindi na huminga pa...wala na sobrang lungkot ko nung time na yun!!! sa lahat ng heart broken ito pinakamasakit naranasan ko haaaysss kung saan ka man ngayon ANYA I LOVE YOU SALAMAT SA MEMORIES NATIN alam ko makakapag move on din ako kakayanin ko😢😢😢
#doglover
#mypet
#doglover
#petlover
#imissyou
Meron din ba kayong experience with your dogs?just comment down let me know your story...namatay pala dog ko kasi nadehydrate siya😭😭😭

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pamahiin sa paro paro itim malas nga ba?

Totoo nga ba na malas ang itim na paru paro? Marami nagsasabi na itoy ay naghahatid ng malas at senyales na may mamatay? Kaya naman tayo ay ...